Biyernes, Marso 18, 2016

Philippine historical sites

Ang bansang Pilipinas ay Itinuturing na Bansa kung saan Marami kang Makikitang Makasaysayang Lugar. 

Alam mo ba kung bakit sinasabing Makasaysayan ang isang pook?
Maraming makasaysayang pook sa atng Bansa. Itinuturing na makasaysayan ang isang lugar o isang pook kung dito ay naganap ang isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan. Tayo na at pasyalan natin ang ilan sa makasaysayang lugar sa ating bansa

Luneta o Rizal park

   Ang Luneta o Rizal Park ay itinuturing na Makasaysayan Sa Lugar na ito, Binaril at namatay ang pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Ang unang pangalan ng lugar na ito. Gayun pa man sinasabing ang kasaysayan ng parke ay nagsimula sa unang bahagi ng 1800 sa ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang Kastila. ang pangalan ng Luneta ay nagmula sa salitang Luna dahil ang Lugar ay Bagumbayan (new town) at sa kalaunan ay pinangalanang Luneta. 
Bilang pagkilala sa ating pambansang bayani, Ang lugar na ito ay tinawag na RIZAL PARK.








 ito ang aking kuha mula sa Luneta Park  ( Pasensya na sa maling Pagkakakuha).









Fort Santiago

                  Ang Fort Santiago ay matatagpuan sa INTRAMUROS MAYNILA. Makasaysayan din ang naganap sa Fort Santiago. dito ikinulong sa loob nito si Dr. Jose Rizal bago sya binaril sa Luneta o Rizal Park. Sa Lugar ding Ito isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Huling paalam o Mi Ultimo Adios. Dito rin makikita ang mga kagamitan ni Rizal noong siya ay nabubuhay pa tulad ng sapatos, damit, sumbrero, panulat at iba pa
       Sa lugar ding ito ikinulong ang maraming  Pilipino na lumaban sa Kastila. Ang Lugar ding ito ay naging himpilan ng mga kastila. Ang lugar ding ito ay naing himpilan ng mga sundalong hapones noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.






ito ang isa sa mga Kanyon
 na ginamit noong  panohon ng
ikalawang digmaang pang daigdig












ito ang Orihinal na "El filibusterismo" o "Ang Paghahari ng Kasakiman". ito ay pangalawa sa isinulat na nobela ni jose rizal.




ito ang Orihinal na "Noli me Tangere" na ang ibig sabihin ay "Huwag mo akong Salingin" .  isa sa mga nobela na isinulat ni Jose Rizal na inilathala noong 1887 sa Europa








Ito ay  mga damit ni rizal
naaking nakuhaan ng litrato
sa loob ng  Fort Santiago








   Bago kami umalis, Kami ay nag pakuha ng litrato sa mga nag babantay ng Fort santiago na nakabihis ng makalumang pang sundalong damit.

Manila Cathedra (Minor Basilica)

             Pagkatapos namin sa Magpunta sa Fort Santiago, Kami Ay Pumunta muna dito sa Manila Cathedral, ito ay matatagpuan sa PLAZA DE ROMA sa Intramuros.
          Ang katedral ay dating isang parokya na pinamamahalaan ng Archdiocese ng Mexico noong 1571 hanggang sa ito ay naging isang hiwalay na diocese noong Pebrero 06, 1579. ang basillica ay nakilala mula sa pag bisita at kinilala ng mga sto. Papa na dumalaw sa ating bansa na sina Pope Gregore XII, Pope Paul VI, Pope John Paul II at Pope Francis.







Pambansang Museo ng Pilipinas

     Ang Aming Huling Pinuntahan Ay ang National Museum of the Philippines o Pambansang Museo ng Pilipinas. Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa IntramurosManila. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Buriam noong 1918. Sa ngayon, ang gusaling iyon na dati ring nagbahay sa Kongreso ng Pilipinas ay ang kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga sining, mga likas na agham, at iba pang mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan 

   


   ito ang SPOLIARIUM na ipininta ni Juan Luna at isa sa mga pinaka sikat na kanyang naipinta na ngayon ay nakalagay sa loob ng Museo.









Sa pag pasyal ko sa mga nasabing lugar pumuno at nabuo sa aking isipan kung gaano kahusay ang mga pilipino lalonglalo na sa larangan ng sining. Ang pagmamahal na ipinakita ng mga naunang Pilipino para sa ating bansa noong mga panahong tayo ay sinakop ng mga dayuhan kung saan ang matinding determinasyon na magkaroon ng kasarinlan ay nabuo sa kani kanilang sarili ang tapang upang makipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Tunay ngang napuno ang paghanga ang aking mga mata at puso. masasabi kong puno ng magagandang katangian ang isang tulad kong Pilipino dahil ang mga bagay na nakita ay sumisimbulo ng tapang, talino, sipag ,tiyaga, pagmamahal atpaggalang na bumubuo sa pagiging isang mabuting tao, isang mabuting Pilipino Kaya't ang payo ko sa inyo, tara na at balik balikan ang magagandang ala-ala na naiwan sa atin ng ating mga ninuno at ipakita ito sa mga susunod pang henerasyon ng mga kabataang Pilipino. palagi sanang manaig ang pagmamahal sa ating Bansa.


◘ ang mga sumusunod na mga larawan ay ang iba ko pang nakuhang litrato sa aking mga pinuntahan na lugar.






 • Ito ang ilan lamang sa mga gamit ng ating mga ninuno katulad ng espada, mga palayok, kwintas, panangga, pang sandok sa pagkain atbp. na nakuhaan ko ng litrato sa loob ng museo.






• Ito naman ang aking nakuhaan ng litrato sa Daang daang pinta ng mga ating ninuno , pero ang pinaka nagandahan ako ay ung sa SPOLIARIUM ni Juan Luna na Pinaka una ko ring nakita sa museo.




•ito naman ang mga ticket naginamit ko sa Pag pasok sa Fort Santiago pati narin sa Exhibit ni rizal Kung saan nakita ko ang ilang kagamitang pag mamayari nya


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento